HOW TO BEGIN MUTUAL FUND INVESTMENTS?

There are 2 options to start your Mutual Fund investment:

FIRST OPTION: Pwede kang mag-open ng Mutual Fund account diretso sa mga Mutual Fund Companies. Maghanap lang ng agent or ng CIS (Certified Investment Solicitor) sa kanilang office upang ma-assist ka nila.

Here are the list of TOP Mutual Fund Companies in the Philippines that I know:

Philam Asset Management, Inc. 12th Floor, Ayala Life-FGU Center, Ayala Avenue, Makati City

Sun Life Asset Management Company, Inc. Rizal Dr, Taguig, Metro Manila

ATR Asset Management, Inc. 17th Flr., Tower One & Exchange Plaza, Ayala Triangle, Ayala Avenue 1226, Makati City 

Philequity Management, Inc. Suite 2004-A, East Tower, Philippines Stock Exchange Centre, Exchange Road, Ortigas Center 1605, Pasig City

Soldivo Funds under Rampver Financials Unit 2202, 22nd Floor, Antel Corporate Center, Valero, 3 Access Rd, Makati City 

First Metro Investment Corporation GT Tower, Ayala Ave, Makati, Metro Manila

Maaari kang magpunta sa offices nila upang makapag-open ng MF account. PERO, may tinatawag silang Entry Fee or Sales Load na ibinabawas sa tuwing tayo ay mag-iinvest, usually nasa 3.5% ang charges depende sa mutual fund company.

For example ay nag-invest ka ng P100,000 sa isang MF company. Automatic yan ay may ibabawas na 3.5% sa perang ininvest mo. P100,000 x 3.5% = P3,500 Ibig sabihin may ibabawas na P3,500 sa perang ininvest, instead na buong P100,000 ang perang naibili mo ng shares ay nabawasan pa at naging P96,500. At sa tuwing dadagdagan mo pa ang investment mo ay may ibabawas pa rin na Sales Load.

SECOND OPTION: Pwede kang mag-open ng Mutual Fund account through IMG (International Marketing Group). Kaya kung isa kang member ng IMG ay sulit na sulit ay iyong membership dahil isa sa mga benefits ng member ay ZERO LOAD sa Mutual Fund Investments. Ibig sabihin kung halimbawang P100,000 ang na-invest mo ay buong buo yan walang bawas mabibili lahat ng shares.

Wealth Calculator

Dito mo malalaman kung magkano ang projected value ng investment mo sa Mutual Funds or Stock Market.

Monthly Savings: Ito yung kaya mong ipunin every month, sa picture ay may nakalagay na example: 1,000 pesos hanggang sa 10,000 pesos.

Annual Interest: Depende ito sa paglalagyan ng Mutual Fund account mo, sa picture ay:

4% - Madalas ito ay mga pang short-term goal yung tipong 1-3 years ay kukuhanin mo na ang investment mo. Kung ikaw ay yung tipo na taong hindi risky sa mga investment ay mas mainam na dito mo nalang ilagay, maliit ang kita pero maliit lang din ang lugi ng pera mo kung sakali.

8% - Kung ikaw ay yung tipong investor na sakto lang ang risk appetite, dito mo ilagay ang funds mo. Atleast 5 years of investing para maramdaman mo ang return nito.

12% and above - Ito ay fund na talagang risky, kung ang goal mo ay short-term or medium term ay hindi advisable na ilagay mo ito dito. Pero kung ikaw ay long-term mag-isip, yung tipong pang College Education ng anak, Pambili ng House and Lot, Travel. Retirement Money, dito mo ilagay ang fund mo. I recommend to invest sa ganitong klase ng fund kung ang goal mo ay 5 years pataas.

Number of Saving Years: Makikita sa picture kung magkano ang projected value nito after 5, 10, 13, 15, 20, 25, 30. The longer you save and invest, mas malaki ang return nito. Sa pag-iinvest napaka-importante ang longterm at consistency.

HOW TO START YOUR
MUTUAL FUND INVESTMENT
THROUGH IMG?